Lahat May Baggage

Malamang, by this time, karamihan satin ay napanod na ang “That Thing Called Tadhana.” Sa bus, kalye at bawat sulok ng opisina, usap-usapan lagi ang mga relatable hugot lines ng pelikula. Lahat naman kasi ata ng kilala ko, naranasan nang maiwanan, mang-iwan, ma-broken-hearted, umiyak, magalit, magpaka-bitter. Mga 85% na nakausap ko, natuto naman mag-move-on. Yung iba, nasa iba’t ibang stage pa ng process, though marami ata ginawang tambayan ang Denial and Anger stages.

Ako, na-enjoy ko yung movie in the sense na it took me down familiar routes. Sa edad kong to at sa aga kong kumire, e malamang ilang brokenhearted episodes at moving on drama na ang dinaanan ko. Parang si Mace, ilang beses na din akong umiyak, nagtanong kung bakit pa kasi ako nabuhay, naghanap ng closure na hindi dumating, nagsisigaw ng, “PI! Ayoko na!” Kung susukatin mo siguro ang dami ng luhang itinangis ko kumpara sa alak na tinungga ko sa tuwing isa na namang boylet ang ginawang punching bag ang puso ko, lalamang lang yung alcohol ng mga dalawang tagay sa dami.

Pero more than about getting over a failed relationship or moving on, ibang konsepto yung mas nagstick sakin nung napanuod ko yung movie. And it’s all about baggage. As in emotional baggage. Napansin ko na yung mga luggage ni Mace sa movie ay parang naging simbolo din ng journey nyang maka-move on sa ex niyang gagong tanda-tanda na takot pa sa commitment.

Napansin ko kasi, as I got older and went through several relationships (i.e., actual boyfriends) and pseudo-relationships (i.e., ilusyonada ako, si boy, it’s-not-you-it’s-me ang peg), na parang we don’t really get over a past relationship completely. As in, walang erase lahat, back to zero, clean slate, ganun. When we move on to another relationship, we still carry small bits and parts of the previous one into it.

Eto, mga kaibigan, kapamilya at kapatid sa pananampalatayang meron pa ding wagas puro at dalisay na pag-ibig, ay ang tinatawag na baggage. Wala kong maisip na magandang term nito sa Tagalog, so I assume gets nyo naman to.

EMOTIONAL BAGGAGE.

Collins dictionary defines emotional baggage as: “the feelings you have about your past and the things that have happened to you, which often have a negative effect on your behavior and attitudes.” 

Wikipedia describes it in a metaphorical image: ” it is that of carrying all the disappointments, wrongs, and trauma of the past around with one in a heavy load.”

emo baggage

Photo grabbed from ze Net.

 

Pansin nyo ba sa start ng movie, si Mace, awas-awas yung maleta nya. Pilit nya pinagkakasya pa yung mga gamit nya pero matapos ang ilang balik, excess weight pa rin sya. Hindi siya maka-move on sa next step ng pag-check in sa airport. Kasi gusto nya ipilit mai-empake yung mga binili nya para sa ex nya – yung trench coats, yung mga thongs, sapatos – kasi may sentimental value. Siguro they remind her of her time na she believed they had a future together. Pero waley.

Tapos, may lumapit sa kanya, si Anthony, na nag-offer na dalhin sa luggage nya yung ibang gamit ni Mace. And it worked, gumaan dala ni Mace, nakatuloy sila. Pero pansin ko, all throughout their trip, lalo na nung nasa Baguio sila, si Mace, hirap na hirap pagdadala ng luggage niya, often refusing Anthony’s help na dalhin ito kahit pataas or pababa ng overpass. Ayaw niya bitawan. Ayaw niya i-let go.

tadhana

Photo grabbed from ze Net.

 

Kalaunan sa pelikula, naiwan nila yung mga bagahe nila sa Baguio at matagal pa babalik yung bus. Si Anthony yung nag-alala at gusto balikan, pero si Mace – probably realizing what a relief it was not to lug around those heavy bags anymore – just shrugged it off at nagdesisyon na i-enjoy na lang yung ipinunta nila sa Sagada. At para sakin, yun yung pangalawang good step niya into actually moving on and losing all those baggage: nung in-accept nyang iwanan na mga yun. Teka, ano yung unang step? E di nung pumayag siyang tanggapin yung tulong ni Anthony na dalhin yung ibang gamit niya.

Diba, parang tayo lang din yan. Sabi ko nga, pagpasok natin sa isang bagong realsyon, lahat tayo may dalang baggage: trust issues, fear of commitment, trauma sa sakit na binigay ng mga ex natin, all those nasty, wonderful excuses na kung susumahin mo, would just fall under two categories: Medyo May Point and Total Bullshit.

Hindi na natin maaalis yan. Wala naman kayang burahin past nila diba. Kahit na gaano tayo kagago, katanga, kalandi or karupok sa nauna nating mga relasyon, di na natin kayang ibahin yun. Ang kaya natin kontrolin e kung paano nito maaapektuhan yung mga bagong relasyon natin.

Lahat tayo may baggage. Some more than most, some refuse to let go of theirs, but we all have them. Meron nasa maleta, gym bag, pwedeng backpack or ga-wallet lang. Pero para sakin, wala sa laki or bigat ng dinadala natin. Nasa paraan kung paano natin dadalhin.

Dadalhin mo ba lahat? Lahat ng frustration and unfulfilled expectations mo sa nakaraan, ipapasa mo ba sa bago? Na dahil may trust issues ka, magiging jaded at cynical ka na sa lahat ng mga bagong dadating sa buhay mo? Kakayanin mo bang dalhin lahat ng ikaw lang? O, handa kang tumanggap ng tulong para gumaan yung mga dala mo?

For sure yang babaeng natitipuhan mo or yang lalaking nagpaparamdam sayo, may mga baggage din sila. Give them a chance. Give yourself a chance.

Malay mo, may space pa sa maleta nila, pwede ka pa makilagay.

7 thoughts on “Lahat May Baggage

  1. “Sa edad kong to at sa aga kong kumire, e malamang ilang brokenhearted episodes at moving on drama na ang dinaanan ko. Parang si Mace, ilang beses na din akong umiyak, nagtanong kung bakit pa kasi ako nabuhay, naghanap ng closure na hindi dumating, nagsisigaw ng, “PI! Ayoko na!” Kung susukatin mo siguro ang dami ng luhang itinangis ko kumpara sa alak na tinungga ko sa tuwing isa na namang boylet ang ginawang punching bag ang puso ko, lalamang lang yung alcohol ng mga dalawang tagay sa dami.” — HAHAHAHAHAHAHA. Natawa lang ako. Da best ‘tong line na ‘to. Apir!

    Like

Leave a comment